A fellow member of the Firefly Brigade reported that the Blue Wave in Macapagal Avenue has been turning away cyclists who wish to patronize the establishment. He said that a guard, who was even wearing a barong tagalog insulted the cyclists who just wanted to have breakfast and coffee there.
Some bikers who read his report in the FB forum wanted to stage a mass action by bikers against the Blue Wave, complete with media coverage. One biker even posted a call for the different biker groups in Metro Manila to join, such as the Foxbat, PMTB, MCCI, HDLC and Barkadahan. I don’t know if this is the right measure to do, but many infuriated bikers are willing to join and express their disappointment. Apparently, this was not the first incident of bikers being denied service just because they came riding their bikes.
There is a branch of the said establishment here in Marikina, but unlike the other one, bikers are welcome and in fact there are bike racks available for parking. But perhaps because it is in Marikina where there are laws protecting bikers.
Sphere: Related Content
June 1, 2008


My StumbleUpon Page





Huh this is one way of discriminative acts. So sad to know about it.
Glad to know you’re doing well Kuya. Ingat pong parati.
Ambo
Hi Ambo,
This was really a sad thing to happen, specially these days when gas prices are high and we need to save gas by using the bicycle as an alternative transportation.
rinos last blog post..Bike Unfriendly: Blue Wave in Macapagal Avenue
ful time bike comuter po ako, pumapadyak ng 50 kilometro x 5 araw para makapakghanapbuhay ng marangal. isang sikyo. tanong ko sa mga nainkombinyente sa kanilang pagkape… sa feeling nyong “tinaboy” kayo naisipan ba ninyong magtanong kung bakit? o react ka na lang kasi nahindian ka. karamihan sa kauri ko na tumatayo ng 12 oras naiipit kami sa mga ilang taong nauurat kapag nasasabihan ng “hindi po puede”… biglang arogante pagnasabihan ng di po pwede. siklista ko. pero di ko feeling na api ako pag nasasabihan ng hindi pwede. ako pumapadyak kasi kailangan. pasensya sir pero karamihan ng naririnig kong maingay sa violation of rights ng siklista daw nila yung mga may dalang mamalhin na walang gasgas na bisikleta. sa mga kauri ko mga elitista ang maingay, naiinkombyente kasi sila sa pagkape at pagmacdo nila, na malayo yung pagkakadenahan ng bike at lalakarin . kaya wala kaming bilib sa mga advocasy nyo, di na kayo naiba sa politikoong pinoy… no kodak, no efect. urat lang kayo kasi di pwedeng pumarada yung bike nyo sa tabi nyo. na kailangan nyong magkadena at maglakad ng 100 metros bago makapagkape. prankahan lang, mula sa isang ful-time comuter sikyong siklista na sawa na sa mga week-end na aroganteng siklista maingay kung nasasabihan.
Magandang araw, Kyusibaiker,
Salamat sa iyong komento, natutuwa ako dahil gumugol ka ng panahon para gawin ito at ipahayag ang nilalaman ng iyong kalooban.
Isang tanong ko lang. Regular mo bang binabasa ang blog kong ito, o ngayon lang? Sana nabasa mo na ang kabuuan ng mga naisulat ko na dito at napagtanto mo sanang ako rin ay isang full time bike commuter papasok sa aking trabaho. Mahigit na dalawang taon ko ng ginagawa ito. Isa nga iyon sa mga dahilan kung bakit naumpisahan ko ang blog na ito.
Nauunawaan ko ang sinasabi mong “ang maingay sa violation of rights ng siklista daw nila yung mga may dalang mamalhin na walang gasgas na bisikleta.” Totoo ito, sa katunayan, yung isang kasama ko sa grupo ay 6,000 dollars ang halaga ng kanyang bisekleta. (ang bike ko , hindi man ganoon kamahal ay may halaga na rin. Pero ito ay dahil sa pinag-iipunan ko ang mga parts ng gusto kong bilhin. Hindi ako nagmemeryenda para makaipon ng pambili. Isang gabing papauwi ako, pasado alas dose ng madaling araw ay may nakasabay akong siklista na drummer sa gabi sa isang banda at newspaper boy sa gabi. Ganito rin ang ginagawa niya kaya’t naging mamahalin na rin ang kanyang bike. (Naisulat ko rin ang tungkol dito)
Sa palagay ko lang, yung sinasabi mong mga maiingay lang ang may lakas loob na magreklamo kung nalalagay sa alanganin ang kanilang karapatan. Hindi ko sasabihing arogante sila dahil ipinagtatanggol nila ang kanilang karapatan. Kung ako lang, hindi ako sang-ayon sa mass protest action na gusto ng iba, nakasulat yan sa post na ito.) Hindi ito ang lubusang sagot sa pangyayari. Sa katunayan, dahil sa advocacy ng Firefly Brigade, ilang establisimyento sa Metro Manila ay naging bukas sa pagpasok ng mga bike sa lugar nila. Nagawa ng FB ng baguhin ang sistema sa pamamagita ng diyalogo at pakikipag-usap sa mga namamahala sa isang sibilisado at malumanay na pamamaraan. At hindi mo ito nabasa kahit saan, wala kang kodak na makikita sa ano mang negosasyong nangyari, pero sa kabila noon e nagkaroon ng representasyon ang mga siklista at nagkaroon ng pagbabago. Ngayon, kung hindi “nagreklamo” ang FB, kung wala ang advocacy na ito, may pagbabago kayang nangyari?
Sa kabila ng lahat, kaibigan, pareho tayong siklista, lamang hindi ko magawa ito sa mga huling araw dahil sa operasyon sa aking binti, at dahil dito mayroong mga bagay na nag-uugnay sa atin: dalawang gulong at ilang piraso ng bakal. Sa kabuuan, mamahalin man sila o hindi, pareho tayong pinapawisan, nauulanan, naiinitan, nalalagay sa panganib dahil sa mga drivers na walang paki-alam sa atin, nasisigawan, namumura, nagagalusan kung sumemplang. Subalit gayon din naman, nandoon din ang kasiyahang ating nararanasan dahil sa nakarating tayo ng walang abala sa trabaho, naging mas malakas ang ating katawan dahil sa ehersisyong dulot ng pagbibisikleta, na alam nating naging bahagi tayo ng solusyon sa problema at hindi naging dahilan nito.
Salamat, ka-bike.
Hello,
Medyo mahirap po mag judge sa ngayon kung ano yung tama kasi po we haven’t heard yet the side of the rival. Mukang ang nang yayari tuloy is nagiging one sided ang paghuhusga natin.
May pang iinsulto nga ba talagang nang yari? How can we know? Baka sa loobin din ng guard ay may descrimination or violation din syang naramdaman.
Well honestly kung ang titingnan lang natin is yung complain ng cyclist medyo bad trip nga yng guard. But do you think this is unfair?
Btw, wag na natin idamay yung mga bike sa “ingay” na ito (mamahalin man o hindi) kasi sila ay mga bagay lamang (but loved) at walang pakiramdam. Mas tuonan natin ng pansin ang mga nagdadala nito kasi sila ang binigyan ng biyaya upang mag-isip at makiramdam.
“Have life, ride a bike!”
Glenns last blog post..PMTB Has a New Home - http://www.pinoymtbiker.org -EOM-
Sa tingin ko rin ay walang kinalaman ang kagandahan o kapangitan ng bike sa pagkakaroon ng karapatan na mapagsilbihan sa Blue Wave (o kahit saan man na wala namang explicit dress code na pansasakyan).
Sa ibang bansa, pwede kang pumasok sa 1st class hotels nang naka-bike ka lang, at totoong may bike parking spaces sila, kaso wala ka nga lang valet services para sa bisikleta mo. Dito sa atin, pwede rin yan basta’t resort hotels lang or ganun klaseng tipo.
Ang karapatan ay karapatan, maralita ka man o mayaman. Mas mainam talaga kung ang mga establismento ay hindi nagpapakita ng diskriminasyon sa sasakyan na dinala mo doon. E paano na lang kung talagang mayaman ako at kaya kong bumili ng tig-iisang libong pisong kape at cake pero naka bike lang ako? Hindi na ba ako pwede pumasok sa Blue Wave? E yung iba diyan, kahit na nakasasakyan na, buloks naman, at baka mas mahal pa yung bike ko doon, tapos tatambay lang pala at magpapalamig o magpapa-cute lang kahit wala namang binibili. Mayabang na kung mayabang, pero sino ba sa amin ang mas may karapatan sa establismento? Yung totoong customer o yung mapag-panggap na customer?
Totoo naman na kahit fake ang Rolex mo basta’t naka-Mercedes Benz ka, ang akala ng mga tao ay tunay na mamahalin ang Rolex mo. Pero kahit na tunay ang Rolex mo pero naka-jeep ka lang, pwedeng sabihin ng kapwa-kasakay mo sa jeep na ang ganda naman ng pagka-peke sa Rolex na suot mo. Ganyan ang katotohanan. At kahit peke o tunay pa man yang mga kasuotan mo, pag pumasok ka sa tindahan basta’t maayos ka, malinis at hindi naman nanggugulo, dapat bigyan ka ng serbisyo na sapat at tuwid para sa isang customer. Karapatan mo yan.
Maraming salamat.
Kaibigan, kamusta? Nabasa ko sa PMTB ang iyong salaysay. Binasa ko ang sinabi ni kyusibaiker. Naisip ko lang, kasi dun minsan ang daan ko papasok. Gusto ko tuloy na subukan ang pangyayaring ito.
Kyusibaiker, kilala mo ba ang mga sikyo sa bluwave?
Maari ba nilang bigyan ng liwanag ag panyayari?
Sa akin lang, kailangan matapang ang gwardya. Dapat kailangan ipatupad ang kanilang panunugkulan. Pero dapat walang bastusan.
Marami akong nakakausap na sikyo na nakakaalam pag mamahalin ang bisikleta. Sila ay nakakaintindi sa pag aalala at kaartehan ng nagmamayari nito.
Wag mo naman lahatin na pag mamahalin ang bisikleta ang may ari ay elitista.
Pareho lang, kaibigan kyusibaiker. Wala sa halaga, kundi sa paghahalaga ng iyong gamit.
Ang sinasabi ko, alamin natin ang katotohanan, at wag mag husga sa kasama nating siklista. totoo, may elitista. Pero di lahat ng elitista ay mamahalin ang bisikleta.
Sana walng magalit sa sinabi ko, ang salaysay na ito ay para sa patuloy na pagkakaisa at pagkakintindi ng mga siklista.
pumapadyak din,
Carl
[...] posted the Blue Wave incident (see previous post) to simply report what a fellow Firefly experienced. He had posted his report in the Firefly [...]
for kyusi.
una muna, personally ako malaki ang respeto sa mga sikyo. and meron kasabihan “respect begets respect”
well magandang malaman na siklista ka rin.
meron ka lang sinabi na “wala kang bilib sa adbokasiya”…. isipin mo na lang kung hindi na payagan ang bisikleta sa daan dahil sa rason binigay mo sa iyong komento, di kaya pati ikaw hindi na makasakay ng bisikleta mo papasok sa opisina or sa lakad mo? pag-isipan mo ang tanong na ito.
marami na mga siklista ang tinaboy ng blue wave na walang sapat na dahilan. nakipag-usap pa ako sa management nila thru the support of a restaurant na kinakainan ko dun noon. at malinaw naman ang usapan. basta maayos at desente ang siklista kakain at mag park, wag tabuyin. at kung meron lugar bawal ang anumang sasakyan, kasama bike, maglagay ng sign or poster. hanggang ngayon wala.
at bilang sikyo, siguro din naman, hindi ka nangbabastos ng tao pagbawal sa isang lugar. dito binabastos at tinataboy. narasan ko ito.
salamat sa pagbigay mo ng opinion, respetado yan ng mga siklista.
may payo lang ako, subukan mo minsan. tsaka ka magsulat sa blog.
re post ko lang ang insident ng 2005 to have an idea of the whole picture. note this is already history and di na dapat pang ungkatin pang reference lang. di na kasi ako bumalik dun naka bike until now.
ATTENTION ALL CYCLIST. AVOID EATING ATBLUE WAVE IN PASAY CITY
Please read. this actually happened, sunday august
14, 2005 1 pm.
i was on my way to QC (from las pinas). i passed macapagal ave. cor edsa ext (going to sm mall of asia). I decided to eat lunch at blue wave. upon entering the premise, already a wierd feeling of unwelcomeness approached me from entering the gas station alone. upon entering the main establishment, going in the center garden to eat at _ _ _, a guard shouted at me as if im a beggar
> or bum saying the words “BAWAL BIKE DITO, MAY KADENA KA ILAGAY MO YAN SA LABAS” from about 10 meters away. so embarassed in front of many dining customers i just replied, “KAKAIN NA LANG AKO SA IBA.”
i tried to approach the admin office but no one was there. i was able to talk to the chief of security i think named VICTOR and i reported the discourteous guard. nasabi ko muna “kung bawal di bawal pero lumapit sana kayo sakin at tapikin man lang. i would understand.”
rather than explaining why or apoligizing, he insisted on the words “COMPANY POLICY ITO” and the words “KUNG ITATABOY NAMIN, TATABOY NAMIN”. okay with a bit inis i said, “okay ikadena ko yan sa labas, sa parking, incase may mawala, sagutin niyo ba?” and replied with the words “BASTA PARK MO YAN SA LABAS, DI NAMIN SAGUTIN YAN.”
now im flared up and said “so ganyan kayo sa siklista, do you know how my bike cost, mukha ba akong pulubi an walang pambayad, at di no babayaran incase mawalan ng parts”. he even dared me “KUNG GUSTO MO ILABAS MO PA SA MEDYA YAN”
naiisip ko na tuloy wow whats the problem with that guy, hit and run by a bike?!!!! and pahabol pa, when i was riding away, patalikod sigawan ako ng “BAKIT SINO KA BA” well with a bad temper i
replied, “OO SINO AKO, A PAYING CUSTOMER YOU DROVE AWAY.”
naisip ko why cant he say those pahabol words in front of my face but instead behind my back. talagang masama ang galit sa siklista they forgot that 1 km away at least hundred of cyclist bike around there area and they insist on such policy?
I havent reached the management yet or the admin of the blue wave. but having such security division and specially that chief of security there, how can they earn if the potential market of cyclist having breakfast is driven away the moment it touches the grounds of blue wave.
most of all, and embarassing a person in public without first checking why or how and if it should be really embarassed. as if he owns the place.
please forward this information to other cyclist. a thing like this must not be left unattented. innocent cyclist are treated as bums in there area.
now we can add this place as one of the bike unfriendly areas to avoid.
hmm, minsan kasi nga kulang sa info ang ibang tao e. dito sa alemanya, may parking for cars at may parking for bicycles, tabi tabi yan. kasi kung ano man ang dalang sasakyan ng tao, costumer pa rin sila. dapat ganon. pero saludo ako sa mga ginagawa ninyo para mabukas ang mata ng mga tao about using bikes.
kengkays last blog post..ang kwarto
areas with security guards with good manners as per experience
1) sm malls. they talk to you and point the parking lot. they allow them at the pyro olympics as long as you walk it and park it. sound fair
2) eastwood designate parking. when you ride go via the bike lane
3) marikina if bike rider violators marikina mismo maninita. pero cars naman not allowed sa bike lane.
4) araneta. designated parking and follow traffic rules. main route ko na rin yan to santolan and crame.
5) tiende. may designated parking.
6) QC circle, sa loob ng park ride slowly or walk pero di bawal
7) la mesa eco park, ride 15 kph only same as with the cars and the service ride nila.
isa-isang sagot.
pixelus sir. yes, pamilyar ako sa blog mo. sinusundan 3x linggo, may pinagbabasahan pa nga ngayon. gets kong midnite comuter ka pa nga. gets kong marangal ang kalooban mo ukol sa ating mga siklista. pero sa puntong sinulat ko, di mo na-get yung sabi ko. paumanhin kaibigan, ang punto ko, urat yung mga siklista na nagwawala pag-nasabihan ng “sorry, no bikes allowed”… mahilig manindak, mumurahin kaning sikyo. pare enforcing lang kami, we don’t make up the rules. damned if we do, damned if we dont ang sitwasyon namin. kalimitan enkwentro (7/10 times) mga tinatamad magkadena ng bike nila ng 10 metro layo sa pagkakapehan nila ang nagwawala, gusto sa tabi ng lamesa nila yung bike. sino yun mga yon? experience ko, mula sa ayala malls ng alabang hanggang sa ever monumento yung mga ma-ere. yung feeling high-end. yung feeling mahal to the extent na above policy daw sila. sanay sa layaw. sanay sa ways and means nila. gets ko din yun okay, yun “mahal” bike mo. mahal is mahal. ako 1.5 taon kong sinet-up yung bike ko kaya feeling ko milyones na halaga nya. ganoon din feeling ko na manakaw siya pag-kumakain o kumakayod ako. pero sir, respect ko naman yun patakaran at karapatan ng ibang nilalang, ng establisyamento. may karapatan ako, may karapatan ang kapwa ko. may ayaw ako, may ayaw siya. mutual respect ang bottom line, civil yon di ba? yan ang punto ko. ok? pamilyar din ako sa ffb. 8 taon na kong pumapadyak sa tour nyo. may bayad ha, hindi sabit. alam ko kasi hangarin nila. clean air air, biker rights. pero advocasy entails responsibility, hindi siya necessarily reactive sa sentimyento ng nakakarami o nakakaimpluwensya. kundi sa nakakabuti ng nakakarami. sa mutual karapatan. don’t judge, know your facts. sigaw si biker abusadong sikyo! lusubin! sesantihin! reklamo! bakit feeling politiko datong sa kin? reactive ang paggawa ng hankbang, hindi proactive. after the fact tayo lagi, not before tayo. madaling mainsulto, pero mas marangal umintindi. Ilan ang umiintindi? sa pmtb? basahin nyo na lang postings nila para gets mo sentimyento. wa na ko say, one sided talaga! at para kay inspector gadget ukol sa payo’t post mo, gawain ko na yun sir. i walk the walk, i talk the talk. alam ko advocasy pero realist ako and i know both sides of the equation. ikaw, sincerely intindi mo ba? kaya sa palagay ko may karapatan akong sumulat sa blog na to. kayo sir? kengkay, tama ka. kadalasan kulang sa info. yun mas maingay nananalo. but dont take my word for it, sikyo lang kasi ako. but proud of it.
Estanislao Dondi aka is now showing signs of aggression just to point the side of a guard.
Re: Bikers being harassed @ Blue Wave
security guard?!? hmm, verbal tenacity… assertive eloquence…
masyadong magaling ang kalibre… shades of stereo-typing! kaya
siguro dinugo, nagulat na may-naiba sa “molde” ng perception sa
isang sikyo? pero within “social standards” naman daw natin yun, so
oks lang. shades of elitista! at yun mga naka-bonggang bisikleta na
mayayamang (mayabang na mayaman)… di dapat sila ma-stereotype
kasi higher on the ladder of “social standards”? gasgas na topic na
to… do what you will and what you want.
“parachutes only work if you pull the ripcord…”
to lau.daren or Estanislao Dondi or kyusibiker
mislead ang mga tao on your identity which makes your credibility low. panindigan kung sino ka talaga. ito pa ang mga main mark downs
quoting.
“in “walking the walk” i follow the rules
(kahit not in my favor) and in doing so i have a clear conscience
to “talk the talk”, na sumaway sa mga tao ukol sa patakaran ng
establishment (among other things). gets mo gadget?”
CLEAR AS A BELL, pero it does not excuse your narrowed mindedness. kasi YOU FAILED TO SEE THE REAL ISSUE, PAMBABASTOS NG TAO. gets mo?
“oo nakapunta na ko sa blue wave at nabugaw na din ng sikyo. same din
sa moa, makati, atbp. nabastos. natarayan. in fact sa bw nga nanakaw
yun una kong bike, kaya i definitely know how that bikers should
have rights too.”
pero your other replies ay puro pagtangol sa sikyo.
advocate ka ba talaga or hindi…..
“same with doing yun tour. full time-commuter ako, wa kotse, zero
emission, green pa kulay ng bike ko. here to there and back naka-
bike. environmental enough for you? may-k ako. kung ang dating sa yo
anti advocacy etc ako, i suggest you go back and read out loud each
and every posting in this thread, para maintindihan mo.”
“pamilyar din ako sa ffb. 8 taon na kong pumapadyak sa tour nyo. may bayad ha, hindi sabit. alam ko kasi hangarin nila.”
Quoting your other remark
“kaya wala kaming bilib sa mga advocasy nyo, di na kayo naiba sa politikoong pinoy…”
ano ba talaga kuya.
your replies…
“pero ano
> > naman yun “nice role playing” na punto mo? sinabi ko
> > kalooban ko, sabihin nyo din kalooban nyo. sagutin
> > ng maayos, wag ka naman sanang mapipikon. yun ang
> > nagiging problema natin kaya nagkakauratan. ..
> > laging may cheap shot sa dulo. sige nga sir, ano yun
> > role playing ko?”
“security guard?!? hmm, verbal tenacity… assertive eloquence…
masyadong magaling ang kalibre… shades of stereo-typing! kaya
siguro dinugo, nagulat na may-naiba sa “molde” ng perception sa
isang sikyo? pero within “social standards” naman daw natin yun, so
oks lang. shades of elitista! at yun mga naka-bonggang bisikleta na
mayayamang (mayabang na mayaman)… di dapat sila ma-stereotype
kasi higher on the ladder of “social standards”? gasgas na topic na
to… do what you will and what you want.
“parachutes only work if you pull the ripcord…” ”
“anyway, may sinabi lang ako sa blog ni pixelus eh umabot na dito.
kung may naurat, well sorry. but like i said uber gasgas na topic na
to kaya quits na. inuman na lang tayo, akin first round.”
agree ako quits na ito. yung mga siklistang binastos nga di na rin kumibo pero boycott na ang BW. ito lang ang friendly advise ko sa iyo.
BE CONSISTENT and TACTFUL. kasi if maayos ang replies mo before, you wont get these kinds of response.
I REST MY CASE
update lang.
doc darren lau
Posted by: “kyusibaiker” kyusibaiker@yahoo.com kyusibaiker
Date: Thu Jun 19, 2008 8:48 pm ((PDT))
mga sir. gusto kong linawin yung naging impression nyo na iisang tao
kami ni darren lau. hindi po, were not the same people. ginamit ko
ng walang permiso yung computer nya na pinagkatiwala sa pasyente.
isa ko sa bumabasa para sa kanya. hindi ko napigilan sarili ko na
magpost ng reply noon, sabihin na natin na naging mainit kasi yung
naging takbo ng usapan sa bw kaya di ko natiis na sumagot agad. ang
hindi ko naisip ay si doc yung nakasign on kaya sa kanya lumabas
yung posting. maraming nakaopen na forum sa computer na password nya
gamit. ffb, cwf, pcn, at cwf. kala ko nakalusot ako. pero marami
palang nadale. si doc nasiraan, yun mga kasamahan ko naimbistigahan
ng admin, pati yun walang malay na pinagiwanan ng computer tuluyan
nang hindi pinagamit. maraming napasama. natakot akong umamin nung
una pero di na kaya ng konsensya.
doc darren i hope you read this. i explained what i have done. i
have send you some emails explaining what i did but you have not
answered. please read them doc. im so sorry sir. very sorry. i
talked with dra obed and nurse liezel about this already.
dondi estanislao